Monday, May 09, 2005

pagkakataon...

Nasa kusina ako nung una kong marinig ang jingle ng bagong commercial ng McDo. Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon. Takbo ako sa sala para makita kung ano yung ad na yun. At kalagitnaan ng commercial, umiyak na ako. Kahit na nakakaantig naman talaga ang ad, ang tunay na dahilan ay dahil sa naalala kita.
Natatandaan mo pa ba nang tayong dalawa ay unang nagkita?

Ako, tandang-tanda ko pa. Madalas nga tayo mag-away nun eh. Ang kulit mo kasi eh. Lagi mo akong inaasar. Pero nung niyaya mo akong lumabas, at magkuwentuhan, naging friends na rin tayo. Lalo na at nalaman ko na pareho nating gusto ang Kanlungan ng Buklod. Binigyan mo ako ng lyrics ng Kanlungan. Idinikit ko ito sa cubicle ng office ko para araw-araw ko nakikita, at para lagi kitang naiisip.

Natatandaan mo pa ba? Inukit kong puso sa
punong mangga. At ang inalay kong gumamela.
Magkahawak kamay sa dalampasigan.

Wala ka mang binigay na gumamela, nakatago pa rin yung bulaklak na ginawa mo sa tissue paper at iniabot sa akin nung minsang bad trip ako sa boss
ko. Ilang beses din tayong magkahawak kamay, sa mall, sa bar, sa balkonahe ng bahay namin. Habang namamasyal sa Megamall, habang umiinom sa bar sa Makati, habang nakatayo sa siksikang MRT, habang kumakain ng dinner sa foodcourt, nakilala kita ng husto.

Dami na rin natin pinagdaanan. Naaalala mo ba yung isang beses na nagkunwari kang boyfriend ko para paselosin yung ex ko? O nung wala akong escort sa party ng barkada ko kaya nagpasama ako sa iyo? Sa mga sandaling iyun, wish ko totoong boyfriend na nga kita. Pero alam naman natin pareho na hindi puwede.

Nung isa sa mga huling inuman natin, niyaya mo akong lumabas. Dala mo yung gitara ng barkada mo at kinanta mo ang Kanlungan. Hindi ka kasing-galing ni Noel Cabangon pero okay lang... nadala mo sa performance. May pa-pikit-pikit ka pa ng mata eh. Gusto kong maiyak nung gabing yun. Hindi ko ma-explain kung bakit. Siguro
dahil sa natatakot ako sa nararamdaman ko sa iyo. Hindi ko alam kung epekto lang ng alcohol, at Kanlungan, pero nung gabing yun, dun ko
na-realize kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. At alam ko na binibigyan na kita ng karapatan na saktan ako dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa iyo.

Dalawang buwan matapos mo akong kantahan ng Kanlungan, pinaiyak mo na naman ako. Pero syempre, hindi ko pinakita sa iyo. Dalawang oras
kitang tinitingnan mula sa malayo. Ang gwapo mo, nasasalamin ang kakaibang kasiyahan. Parang ayaw nga kitang lapitan eh, hindi ko kasi alam
kung ano ang sasabihin ko. Nung finally, nakita mo ako, nginitian kita. Sabay kaway ng kamay ko, senyales na aalis na ako. Sabi mo, sandali lang. Tapos iniwan mo yung kasama mo at lumapit ka sa akin.

"Alis ka na?"

"Oo. Gabi na eh. Layo pa bahay ko," sagot ko. Kinamayan kita. "Congratulations," sabi ko. "Bagay sa iyo ang nakabarong."

"Salamat," sagot mo na may kasamang alanganing ngiti. Magkahawak pa rin ang ating
kamay. Nung maramdaman ko ang kamay mo, dun unti-unting nag-sink in sa akin ang realidad na yun na ang huling beses na mahahawakan ko ang
kamay mo. Dahil mula sa gabing yun, iba na ang lahat para sa atin. Magbabago na ang lahat. Bago mo ako makitang umiyak, dali-dali akong nagpaalam, tumalikod at umalis.

Lumilipas ang panahon. Kabiyak ng ating gunita. Ang mga puno at halaman, bakit kailangang lumisan?

Ang tagal na nating hindi nagkita. Ang tagal na rin nating hindi nag-uusap. Pero lagi pa rin kitang naaalala. Mula nung unang beses mo akong
niyayang magyosi hanggang sa araw ng kasal mo. Hindi ako nagsisising makilala kita. Isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Nung nakita ko nga ang bagong commecial ng McDo, tinext kita para tanungin kung nakita mo na. Sabi ko, naiyak ako nung makita ko. Sabi mo
nakita mo na. Sabay tanong kung bakit ako naiyak. Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit ako naiyak sa commercial ng McDo.

Pana-panahon ang pagkakataon. Maibabalik ba ang kahapon?

Tuesday, March 29, 2005

A Piece of Advice...

GUYS...

Find a girl who calls you baby faced instead of hot or sexy
who can't stand it when you hang up on her and calls right back,
who would sit there for hours looking into your eyes,
who doesn't care what you look like, but what's inside counts the most,
Who looks at you with the twinkle in her eyes and kisses you on the cheek instead of the lips,
Wants to be with you in public, even if you wear those old grass stained and ripped pants with the bleached jersey like always,
Wait for the girl who is a constant reminder of your happiness and joy, who makes you
smile just by knowing she loves you back.
Wait for the girl who you give piggy back rides to in public and she still is in view of her friends,
while she gets off and you hear her
go: "you're the one for me, for always"

GIRLS...

Find a guy who calls you beautiful instead of hot,
who calls you back when you hang up on him,
who will stay awake just to watch you sleep.
Wait for the boy who kisses your forhead,
who wants to show you off to the world when you are in your sweats,
who holds your hand in front of his friends,
who thinks you're just as pretty without makeup on.
Wait for the one who is constantly reminding you of how much he cares about you
and how lucky he is to have you.
Wait for the one who turns to his friends and says, "...that's her."